Missing my High School Friends.
High School. Isa sa pinakamasayang yugto sa buhay ko. Sobrang daming happenings, sobrang daming tawanan at iyakan. Harutan, kulitan at kung anu-ano pang mga kalokohan. Syempre hindi mabubuo itong mga memories na ‘to kung hindi dahil sa mga nakasama ko. My high school friends, my brothers and sisters. :) Though we are not blood related siblings, sobrang mahal ko sila. At sobrang miss ko na sila.
May swimming on Monday-Tuesday. Alam kong malabo na makasama ako pero I want to try the risk of asking permission from my parents. Hassle naman ksi! Bakit natapat pang Mrarch 27 rin ang enrollment ko sa Mapua? Gagawin ko lahat para makasama ako. Hindi dahil sa ayaw ko dito sa bahay, or gusto ko takasan yung mga gawaing bahay pero kasi I want to spend some time with them. Ilang months ko na rin hndi nakikita yung iba sa kanila and this would be the greatest time to bond with them. :)
Sabi ko nga sa sarili ko kung may babalikan ako sa buhay ko yun yung High School Days ko. :’) Nothing can replace my HS Friends. :) I will fight for them no matter what. Alam ko naman kasi na gaun din sila sakin. :) I love them to death! <3
Feasibility Study. <3
Here at Forbes Wood Parklane Global City Taguig. Gumagawa kami ng feasib nmin for SS. Hassle! Wala pang tulog. Sacrifice talagaaa! :) Kaya namin to!
I used to have high grades and made my parents PROUD. :|
Re-post but so damn true. ;(
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan, anong pangyayari ang gusto mong balikan?
Christmas?
Kung nagtataka kayo kung bakit may “?” ang title, e kasi pakiramdam ko walang pasko. Dahil sa sobrang dami ng isipin ko ngayon at dahil sa mga komplikadong mga pangyayari ay hindi ko na naiisip ang diwa ng kapaskuhan. Masasabi kong ito na siguro ang pinakamalungkot na pasko ko sa loob ng 17 taon.
Paano nga ba kasi ipagdiwang ang isang okasyon kung wala namang lugar ang kasiyahan sa puso mo? Nabalot na ng kalungkutan ang puso ko kaya marahil ay hindi ko na naiisip pang parating na ang pasko. Sabi ng mga kaibigan ko ay dapat munang pasayahin ko ang aking sarili para mas sumaya ang pagtingin ko sa buhay ko ngayon. Iyon na nga ang hindi ko magawa. Kahit anong gawin ko, panandaliang kasiyahan lang ang nararamdaman ko at pagkatapos ay bumabalik na rin ang pakiramdam ko sa realidad na hindi talaga ako masaya.
Sabi nila ang panahon ng kapaskuhan ang pinakamasayang yugto ng taon. Na lahat ng tao ay masayang nagbibigayan at nagmamahalan. E bakit ako? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Tunay nga bang may pasko? O ang pasko ay para lamang sa mga masasayang tao? Apat na araw na lamang ang natitira. Magiging masaya pa kaya ako bago sumapit ang kapaskuhan? :|
Reblog if you want your followers to tell you one thing they secretly think about you.
Anghel sa Lupa. Reblogged (c): Papacaloy. :)
Anghel sa Lupa…

“Di ba ang anghel may pakpak? Bakit ganun? Nung hinawakan ko ang likod mo wala akong nakapa?”
Tayong mga Pinoy ay likas na madasalin. Noong bata pa tayo ay tinuturuan tayong mag - ang tanda ng Santa Krus. Naalala niyo pa ba ung mga panahon na bago tayo matulog ay sinasamahan tayo magdasal ng ating magulang? Nagdadasal tayo at nagpapasalamat sa Diyos. Dagdag pa dito ang ating hiling na gabay at kalinga sa ating mga “Guardian Angels”
Aking napagtanto, na sa haba - haba ng oras na aking ginugugol sa pagdadarasal, ay tinupad na ng Diyos ang ating hiling. Biniyayaan niya na tayo ng Anghel. Siguro maiisip niyo? Nasaan sila? Bakit hindi natin sila nakikita? Nako. Tumingin ka sa paligid mo. Naglipana sila. Para makita sila, ay dapat maging mapagmatiyag tayo at maging bukas ang ating isip at puso sa kanila.
“Anghel sa lupa” - parang pamagat lamang ng isang low budget na pelikula. Malayo sa katotohanan? Oh teka. Magisip - isip ka muna. Di porke walang pakpak ay hindi na anghel. Naniniwala ako.. na lahat tayo, naging anghel na sa mumunting mga bagay. Tandaan niyo, na ang buhay… ay isang malaking pelikula!
May nabasa akong kasabihan na tayong mga tao raw ay nagtataglay ng iisang pakpak, at hahanap daw tayo ng ating makakasama upang mabuo ito at sabay lumipad. Kinilig ka noh? Siguro naimagine mo ung mahal mo sa buhay o ang taong mahalaga sayo (girlfriend/boyfriend, special friends and bestfriends) habang binabasa mo ito. Huwag ka mag - alala. Ako din, naisip ko ung mga taong kumukumpleto sa akin. :)
Matingkad na ngiti, Matang nagniningning, at Labing kay tamis… Ilan sa mga katangian ng mga anghel ng buhay ko. Mga katangian na kumukumpleto at nagbibigay ng kulay sa aking araw - araw. Masarap isipin, na gigising ka sa umaga at sila ang sasalubong sa iyo. Isang “hello” lang. Solb na! Feeling mo lumulutang ka na at nakahiga ka sa makapal na ulap…
Anghel sa Lupa - siguro nagbago na ang pananaw niyo noh? Isa itong katotohanan na nararanasan ng bawat isa sa atin. Nasa sa atin pa rin iyon, kung papahalagahan natin sila, at gagawing instrumento ng kasiyahan… Basta wag kakalimutan,
“MAHIRAP LUMIPAD MAG-ISA… MASARAP PAG MAY KASAMA…”